Nagpaka-kampante ang Golden State Warriors kaya natalo sa game 3 ng NBA Finals kontra Cleveland Cavaliers.
Ayon kay Warriors Forward Draymond Green, opening quarter pa lang ay agad nang umarangkada ang Cleveland na punong-puno ng “sense of desparation” habang tila nagliwaliw lamang sila.
Agresibong dipensa rin ang obserbasyon ni Stephen Curry sa panalo ng Cavaliers.
Inamin ni Curry na wala siyang masyadong ginawa para mapigilan ang pagpapakitang gilas ng Cleveland, lalo na sa first quarter kung saan uminit ng husto sina NBA Superstar Lebron James at Star Point Guard Kyrie Irving.
Ngunit tiniyak naman ni Curry sa mga tagahanga ng Golden State na nasa magandang posisyon pa rin sila.
By Mariboy Ysibido