Tututukan ni incoming Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Isidro Lapenia ang sistema sa pangangalaga ng mga nakukumpiskang illegal drugs.
Magugunitang lumutang ang report na sa halip gamitin bilang ebidensya, nailalabas at naibebenta pa muli ang mga nakukumpiskang iligal na droga at ito ay kinasasangkutan umano ng ilang PDEA agents.
Sinabi ni Lapenia na bukas siyang repasuhin ang sistema sa pag-iingat ng confiscated drugs na kaagad dapat magawan ng kinakailangang documentation.
Positibo aniya siyang malaki ang magagawa nila sa unang anim na buwan lalo pa’t aktibong nakikibahagi sa kampanya ang mga mamamayan.
Kasabay nito, suportado ni Lapenia ang reward system sa PDEA agents para mas maenggganyo pa ang mga itong mag-trabaho at maiwasan na rin ang aregluhan sa mga nahuhuling sangkot sa droga.
By Judith Larino