Mariing itinanggi ni Immigration Commissioner Siegfred Mison na sangkot siya sa “Fly-For-A-Fee” racket sa ahensya.
Ito’y kasunod ng ulat ng isang pahayagan hinggil sa isang reklamo sa Ombudsman laban kay Mison dahil sa umano’y desisyon nitong tanggalin sa Immigration blacklist ang isang Chinese national.
Giit ni Mison, wala siyang kinalaman sa ganoong racket dahil mula nang maupo siya sa Immigration ay nilalabanan na niya ito.
May hinala rin si Mison na tumanggap ng pera ang reporter na si William Depasupil ng Manila Times mula sa aniya’y mga “bad guys” para siraan siya.
By Jelbert Perdez