Kinontra ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang panukalang ibaba ang edad ng mga kabataang puwedeng ikulong matapos gumawa ng krimen
Tinukoy ni Soliman ang pag aaral ng US at Mexican experts na hindi pa masyadong nauunawaan ng mga batang may edad Dose pababa ang tama at mali kayat hindi solusyon ang pagpapakulong sa mga ito na maaari aniyang maging malaki ang epekto sa kanilang buhay
Sinabi ni Soliman na posibleng ginagamit lamang ng mga sindikato ang mga kabataang gumagawa ng krimen tulad nang pagho holdap at pagtutulak ng droga
Kasabay nito isinulong ni Soliman na ihiwalay ng kulungan ang mga kabataang may edad Disi Sais hanggang Beinte Uno anyos sa mga high profile inmates
By: Judith Larino