Binigyan ng National Electoral Council ng Venezuela ng hanggang sa Hunyo 25, ang 1.3 milyong lumagda sa referendum na nagpapatalsik kay President Nicolas Maduro.
Ito ay para berepikahin ang kanilang mga lagda, matapos makitang kasama ang pangalan ng mga patay, sa mga umano’y pumirma sa petisyon.
Pinapaalis sa puwesto si Maduro dahil sa kinasadlakan na economic crisis ng bansa.
By Katrina Valle
Photo Credit: EPA/ (Venezuela's Electoral Council President Tibisay Lucena said there were many irregularities in the petition)