Ipinagtanggol ng Malacañang ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagpayag na makapagtaas ng singil sa tuition ang may 313 pribadong kolehiyo’t unibersidad.
Katwiran ni Presidential Communications Group Secretary Herminio Coloma Jr., ginagampanan lamang ng CHED ang kanilang tungkulin na aprubahan ang kahilingang magtaas ng singil sa tuition ang mga paaralan ngayong School Year 2015-2016.
Binigyang diin ni Coloma na malaking bahagi ng tuition hike ay nakalaan sa suweldo at benepisyo ng mga guro maging ng managing staff.
Isa aniya sa kondisyon na ibinigay ng CHED sa mga may-ari ng paaralan para makapagpatupad ng tuition hike ay ang magkaroon ng commitment na itaas ang sahod at mapabuti ang kalagayan ng mga guro.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)