Pumalag ang kampo ni president-elect Rodrigo Duterte sa inilabas na pahayag ni UN secretary general Ban Ki Moon na kumokondena sa tila pag endorso umano ni Duterte sa extrajudicial killings sa Pilipinas.
Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Atty Salvador Panelo, naniwala sa maling news report si UN sec general Ban, kaya umano naging ganoon ang tugon nito kay Duterte.
Pagtitiyak ni Panelo, hindi kinokonsinte at hindi kukunsitihin ni Duterte ang basta bastang pagpatay sa isang tao, maging mamamahayag man ito o hindi.
Bilang pangulo anya, sang-ayon lahat sa konstitusyon ang mga gagawing hakbang ni Duterte at hindi anya ito lilihis sa batas.
By: Jonathan Andal