Patay sa aksidente ang isang Pinay domestic helper sa Milan, Italy.
Sa inisyal na imbestigasyon, nahagip ng suv ang biktima na si Myrna Reyes at nabagok pa ang ulo nito sa kalsada.
Naisugod pa si Reyes sa ospital, pero binawian din ng buhay makalipas ang isang oras dahil sa internal bleeding.
Inaasikaso na ng OWWA ang mga papeles para maiuwi dito sa Pilipinas ang labi ng nasabing Pinay domestic helper
By: Meann Tanbio
Photo courtesy of GMANEWS