Isang grupo ng mga kabataan ang hinarang ng Chinese Coast Guard sa paglalayag patungong Panatag o Scarborough Shoal kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day.
Lulan ang 15 Filipino Members at Isang American Volunteer ng Kalayaan Atin Ito Movement ng bangkang pangisda nang palibutan ng 5 Chinese vessel.
Ayon kay Atty. JOY Ban-Eg ng Kalayaan Atin Ito, iginiit ng mga Tsino na bawal ang pagpasok sa Panatag o Bajo de Masinloc dahil teritoryo ito ng China.
Gayunman, lumangoy anya ang iba nilang kasama upang makalapit sa Panatag kaya’t binomba sila ng water cannon ng Chinese Coast Guard na nauwi rin sa 4na oras na stand-off.
Wala namang nasaktan sa mga volunteers at makalipas ang 1 oras ay nagpasya ang grupo na dumiretso na lamang sa Masinloc Pier sa Zambales.
By: Drew Nacino