Sinupalpal ng mga operator at driver ang panibagong regulasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pag-phase out ng mga lumang school bus.
Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren de Luna, karamihan sa kanilang mga miyembro ay bumili na ng mga bagong Mitsubishi L300 units upang tumalima sa kautusan ng LTFRB. na palitan ang mga school bus na higit 5 taon na ang edad.
Gayunman, ipinag-utos ni LTFRB Chairman Winston Ginez na dapat tumalima ang mga transport group sa European 4 emission standards.
Inihayag naman ni De Luna na tanging 2,000 ACTO members o 25 % ng kanilang kabuuang 10,000 miyembro ang nag-comply sa ngayon sa bagong regulasyon.
Samantala, hiniling na anya nila sa ahensya na magpatupad ng 1 year moratorium sa pag-phaseout.
By: Drew Nacino