Kinontra ni Senador Tito Sotto ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano na malamang maging obstructionist sa Duterte Administration ang nabuong “super majority” sa Senado.
Ayon kay Sotto, sa ilalim ng pamumuno ni Senador Koko Pimentel bilang senate president at siya bilang majority floorleader, alam niya kung paano patatakbuhin ang pagpasa ng mga panukalang batas.
Hangga’t mayroon aniyang mayorya na sumusuporta sa legislative agenda ng Senado, tiyak na maaaprubahan ang mga panukalang batas na isusulong ni incoming President Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Sotto na papayagan niyang magsalita ang mga kontra sa isang panukalang batas, pero sa bandang huli ay isasalang nila ito sa botohan.
Iginiit pa ni Sotto na kung eksperto na siya sa pagharang sa approval ng panukalang batas, eksperto din aniya siya sa pagpapasa nito.
By: Meann Tanbio