Pinatawan na makulong nang hanggang 26 na taon ang isang empleyado ng Manila City Hall.
Base sa desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 22, hinatulang Guilty sa kasong Malversation of Public Fund at paglabag sa Section 3, Paragraph E ng Anti-graft and Corrupt practices act si Vilma Ibay ng Veterinary Inspection Board.
Nabatid na nabigo si Ibay na mai-remit ng tama ang koleksyon ng Slaughter House ng lungsod.
Bukod sa pagkakabilanggo, pinagmumulta rin si Ibay mahigit P. 172,000.00 na katumbas ng nawawalang koleksyon at panghabambuhay na disqualification sa public service.
Nag-ugat ang kaso sa report ng Commission on Audit na mula November 2000 hanggang June 2001, ang total collections dapat ni Ibay mula sa slaughter fee collections sa Blumentritt Public Market ay mahigit P. 929,000.00 , pero mahigit P. 757,000.00 lamang ang kanyang nai-remit sa kaban ng lungsod.
By: Meann Tanbio