Mahalaga ang kooperasyon at koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at Department of Education (DepEd) para matugunan ang ilang mga pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na sa mga liblib na lugar sa bansa.
Ayon kay DepEd Assistant Sec. Jess Mateo, karaniwan ng problema sa mga probinsya ang mga daan at hanging bridge patungo sa mga paaralan.
Hindi aniya DepEd ang nagpapatayo ng mga imprastrakturang ito na kailangan ng mga estudyante sa probinsya.
Bahagi ng pahayag ni Asec. Jess Mateo
Sa kabila ng ilang mga problemang na-encounter ng DepEd sa pagbubukas ng klase, tinawag pa ring remarkable ni Mateo ang opening of classes kahapon.
Bahagi ng pahayag ni Asec. Jess Mateo
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas