Pinag-aaralan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibleng pagpapalabas ng travel advisory ng embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa Amerika.
Kasunod ito nang pamamaril sa isang gay bar sa Orlando, Florida na ikinasawi ng 50 katao at ikinasugat ng 53 iba pa.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, layon ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino roon.
Sinabi ni Jose na bukas naman silang maglabas ng travel alert para sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa Amerika.
By Judith Larino