Nakapagsumite na rin ang Liberal Party ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (COMELEC), 6 na araw matapos ang deadline ng pagsusumite ng SOCE.
Batay sa SOCE ng Liberal, aabot sa 241 million pesos ang kanilang nagastos.
Ganitong halaga rin ang natanggap na cash contributions mula sa kanilang mga kapartido at iba pang sources.
Gayunman, hindi kasama sa isinumite ng LP ang SOCE ng kanilang naging standard bearer sa 2016 elections na si dating Interior Secretary Mar Roxas.
By Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)