Pinatawan ng 2 taong suspensyon ng Korte Suprema ang tinaguriang Spike King na si Atty. Ely Pamatong.
Alinsunod sa kautusan ng SC En Banc, hindi maaaring makapag-practice bilang abogado si Pamatong dahil sa malisyoso nitong akusasyon sa isang hukom.
Nag-ugat ang parusang ito kay Pamatong makaraang sampahan nito ng kasong inhibition si Judge Gregorio Pantanosa Jr. na dinggin ang kanyang hawak na kaso na nasa sala ng hukom dahil sa umano’y pagiging corrupt nito.
Ibinasura naman ni Judge Pantanosa ang motion ni Pamatong dahil sa kawalan ng merito kung saan inatasan nito si Pamatong na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng contempt sa malisyoso nitong paratang sa hukom.
Kasabay ng kautusan nito ay sinampahan din nito si Pamatong ng disbarment complaint sa Integrated Bar of the Philippines o IBP dahil sa malisyoso nitong akusasyon na inilathala pa sa ilang lokal newspapers.
By: Meann Tanbio