Kumpiyansa si incoming presidential spokesman Atty. Salvador Panelo na kayang lutasin ni incoming president Rodrigo Duterte ang problema ng bansa sa mga bandido’t teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf.
Inihayag ito ni Panelo kasunod ng ginawang pamumugot ng bandidong grupo sa ikalawa nilang bihag na Canadian national na si Robert Hall nitong LunesAniya, bagama’t hindi niya alam kung paano sosolusyunan ni Duterte ang problema, kumpiyansa siyang magagawa nitong tuldukan ang pamamayagpag ng takot at karahasan mula sa kamay ng mga terorista.
Kasunod nito, sinabi ni Panelo na hindi magbabago ang magiging posisyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng no ransom policy sa mga kalaban ng estado kahit magbago pa aniya ang administrasyon.
By: Jaymark Dagala