Mahalagang ikunsidera ng mga bansang umaangkin ng teritoryo sa South China Sea ang pangmatagalang perspektiba sa pagresolba sa sigalot ng bawat bansa.
Ito ang inihayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kasunod ng pagpupursige umano ng China na maresolba ang territorial dispute sa nasabing karagatan.
Sa kabila ng mga pag-alma ng mga bansang Vietnam, Pilipinas, Brunei, Indonesia at Malaysia, sinabi ni Wang na mainam pa rin na pag-usapan ang nasabing gusot at huwag nang palakihin pa.
Magugunitang naghain ng protesta ang Pilipinas sa United Nations Arbitral Tribunal habang may kanya-kanya ring hakbang na ginagawa ang iba pang mga nabanggit na bansa sa kung paano paaalisin ang presensya ng mga tsino sa pinaniniwalaang teritoryo nila.
By Jaymark Dagala