Handang ibasura ng Iran ang kanilang nuclear agreement sa Amerika.
Ito, ayon kay Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, ay sa oras na ibasura rin ito ng susunod na pangulo ng Estados Unidos.
Kung ang presumptive republican nominee na si Donald Trump anya ang mananalo ay susunugin nalang nila ang nilagdaang kasunduan.
Una ng ibinabala ni Trump na ibabasura niya ang agreement at nanindigang magsasagawa ng renegotiation.
Magugunita sa mga pahayag ng presidential candidate sa kanyang mga campaign speech ang pagkontra sa mga Muslim bagay na ikinagagalit ng ilang Islamic nation gaya ng Iran.
By Drew Nacino
Photo: (Office of the Iranian Supreme Leader/AP)