Nanindigan ang pamilya ni Robert Hall, ang ikalawang Canadian hostage na pinaslang ng Abu Sayyaf na kanilang suportado ang “no-ransom” policy ng kanilang gobyerno.
Ayon sa pamilya Hall, bagaman masakit para sa kanila ay buong puso silang umaayon sa polisiya ng Canada maging ng gobyerno ng Pilipinas.
Kaisa anya sila sa ideolohiya ng kanilang bansa na panatilihin ang katatagan at pagtanggi sa anumang hiling ng mga kalaban ng estado.
Kabilang si Hall sa mga banyagang dinukot ng ASG sa Samal Island na sinasabing pinugutan noong Lunes ng hapon matapos mabigo ang kanyang pamilya at Canadian government na magbigay ng ransom.
By Drew Nacino