Tinatayang 2.7 Milyong lisensya na ang handa na para sa stamping sa oras na tanggalin ng Commission on Audit ang notice of disallowance laban sa Land Transportation Office.
Ayon kay LTO Chairman Roberto Cabrera, sa ngayon ay nasa Netherlands na ang mga nasabing lisensya at handa na ring i-print at kung tatanggalin ng COA ang notice ay makararating sa Pilipinas ang shipment sa loob ng Isa’t kalahating buwan.
Nagsimula anya ang backlog sa lisensya nang maglabas ang COA ng notice noong isang taon at problema na ito bago pa man siya umupo bilang LTO Chief noong Enero.
Umaasa naman si Cabrera na agad dedesisyunan ng komisyon ang hirit ng LTO na resolusyon kung i-li-lift ang disallowance o sususpendihin ang kontrata.
By: Drew Nacino