Pinaalalahanan ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete na mananagot sila sa kanya kapag nabahiran ng katiwalian ang kanyang administrasyon.
Ito ang sinabi ni incoming Agriculture Secretary Manny Piñol matapos silang pulungin ni Duterte kamakailan sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Ayon kay Piñol, sinabihan sila ni Duterte na hindi ito makikialam sa magiging pamamalakad ng mga napili niyang opisyal ngunit tiniyak na mananagot ang mga ito sa oras na mahuling nangungurakot.
Gayunpaman, hindi, aniya, sinabi ni Duterte kung ano ang partikular na gagawin sa mga mapatutunayang tiwaling miyembro ng kanyang gabinete.
Ngunit naniniwala si Piñol na hindi magdadalawang-isip si Duterte na tanggalin sa pwesto ang sinumang magkakamali.
By: Avee Devierte