Naaresto ngunit kalaunay nasawi ang ikalawang suspek sa panghoholdap at panggagahasa sa dalawang pasahero ng kolorum na UV Express kamakailan.
Mag-aalas kuwatro kaninang madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District o QCPD ang suspek na kinilalang si Alfie Turado alyas ‘Buddy’ sa bahagi ng Barangay Obrero.
Ayon kay Supt. Rodelio Marcelo, may usapan aniya sila ng suspek na isasauli nito ang lahat ng mga ninakaw mula sa dalawang biktima na beinte siete at beinte dos anyos.
Ngunit habang ibinibiyahe si Turado patungong kampo karingal, nang-agaw umano ito ng baril dahilan para paputukan siya ng mga umaresto sa kaniyang pulis.
Una nang naaresto ng pulisya ang driver ng kolorum na uv express na si Wilfredo Lorenzo.
Ngunit ayon maman kay QCPD director C/Supt. Edgardo Tinio, binawian din ng buhay ang suspek na si Turado ilang minuto matapos itong manlaban.
Magugunitang halinhinang ginahasa nila Lorenzo at Turado ang mga biktima habang sabog ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot.
By: Jaymark Dagala