Ikinalungkot ng Alliance of Health Workers o AHW ang ginawang pagpigil ni Pangulong Noynoy Aquino sa pagsasabatas ng Nursing Law.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni AHW national president Robert Mendoza na hindi ito makabubuti sa hanay ng mga nurses sa bansa.
Nilinaw din ni Mendoza na hindi lahat ng mga nakapaloob sa naturang panukalang batas ay pabor sa kanila.
By: Jelbert Perdez | Ratsada Balita