Aminado si incoming AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo Visaya na kasama ang pagdedeklara ng Martial Law sa Sulu at Basilan, sa kanyang mga posibleng irekumenda kay president-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Visaya, agad niyang pag–aaralan ang mga posibleng epekto ng pagdedeklara ng martial law at kung mas matimbang ang positibong epekto nito, ito ay kanyang irerekumenda kay Duterte.
Naniniwala si Visaya na ang palpak na pagpapatakbo ng mga pulitiko sa dalawang probinsya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy padin ang pagdukot ng mga rebelde.
By: Katrina Valle