Hiniling ng National Association of Independent Travel Agencies o NAITAS sa papasok na administrasyong Duterte na suriin ang mataas na singil ng mga taxi sa airport.
Ayon kay Bobby Joseph ng NAITAS, maliban sa mga miyembro nila, mayroon din nagpaparating ng reklamo mula sa mga dayuhan at balik bayan na pasahero.
Tinukoy ni Joseph ang naging karanasan ng isang dayuhan kung saan siningil ito ng dalawang libong piso para biyahe na mula sa naia terminal 2 patungo sa Diosdado Macapagal.
Isang consul naman aniya ang siningil ng 2, 500 pesos mula sa naia terminal 1 patungo sa Sofitel.
Iginiit ng grupo na napipilitan magbayad ang mga pasahero dahil sa ipinapakita ng taxi driver ng taripa na naaprubahan ng LTFRB at Department of Tourism.
By: Katrina Valle