Nahuli dahil sa overspeeding ang anak ni President-elect Rodrigo Duterte sa Davao City.
Inisyuhan ng Speeding Ticket si Re-elected Vice Mayor Paolo “pulong” Duterte dahil sa paglabag sa speed limit na 40 kilometer per hour sa Bangkal Street.
Aminado naman ang nakababatang Duterte na tumatakbo siya ng 57 kilometers per hour dahil nagmamadali umano siyang makauwi.
Agad naman ipinost sa social media ni Vice Mayor Pulong ang larawan ng speeding ticket na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa social media.
By: Drew Nacino