Inalok ng tulong ni Pangulong Noynoy Aquino si President-elect Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ng Pangulong Aquino na nagkausap sila ni Duterte sa telepono na tumagal ng mahigit isang minuto.
Ayon sa Presidente, binati niya si Duterte at nagkumustahan saka inalok na handang tumulong sa anumang paraan kung kailangan.
Ikinatuwa aniya ito ni Duterte at hindi naman tinanggihan ang alok niyang handang tumulong.
Sinabi pa ng Pangulo na natutuwa siyang tapos na ang eleksyon at hangad niyang ipagpapatuloy ng Duterte administration ang lahat ng nasimulan at proyektong natapos ng kanyang pangasiwaan.
By: Meann Tanbio