Wala umanong namumuong problema o pagkakahati-hati sa partido ni Pangulong Noynoy Aquino, sa harap ng posibleng pagpasok ni Senadora Grace Poe para pagpilian sa 2016 elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakausap niya ang ilang miyembro ng Liberal Party na kasama sa gabinete at wala aniyang indikasyon ng break-up o pagkakawatak-watak ng administration party.
Kontrolado aniya ng Pangulo ang LP at sinusuportahan ng mga kapartido nito ang timetable kung kailan iaanunsiyo ang mga isasabak sa halalan sa susunod na taon.
Naniniwala si Lacierda na may mga nais lamang sirain ang LP kaya ngayon pa lamang ay iniintriga na ang administration party.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)