Asahan na ng publiko ang simpleng seremoniya sa inagurasyon o panunumpa sa puwesto ni incoming President Rodrigo Duterte
Ito ang inihayag ni Incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang pagtupad ni Duterte sa kaniyang ipinangako nuong kampaniya
Gagawin ang panunumpa sa Rizal Hall ng Malacañang sa halip na sa Quirino Grandstand na siyang tradisyunal na pinagdarausan ng mga inagurasyon ng mga nakalipas na Pangulo ng bansa
Kasunod nito, hiniling ni Andanar sa mga dadalo sa inagurasyon na magsuot ng Filipiñana na may simpleng disenyo lamang
Maliban sa kasuotan, Tatak Pinoy din ang mga bibidang pagkain na ihahain sa inagurasyon tulad ng suman, pritong sagong, biko at bibingka habang tsokolate davao at juice naman ang siyang ihahain bilang panulak o inumin
by: Jaymark Dagala