Naghain ng not guilty plea si dating PNP chief Alan Purisima sa kaso nitong graft.
Kaugnay ito sa maanumalya umanong pinasok na kasunduan ni Purisima sa isang courier service noong 2011.
Sinasabing hindi umano dumaan sa public bidding ang ibinigay na kontrata ni Purisima sa Werfast documentary agency incorporated para sa pagdeliver ng mga firearms license ng mga aplikante.
Kasama ang kanyang abogadong si Dexter Hector Corpus nagtungo kanina sa Sandiganbayan sixth division si Purisima para sa kanyang arraignment.
Matatandaang noong nakaraang buwan nang arestuhin si Purisima sa Ninoy Aquino International airport ng mga tauhan ng PNP criminal investigation and detection group dahil sa kaso nitong graft ngunit pansamantala ding nakalaya makaraang maglagak ng tatlumpung libong pisong piyansa.
By: Ralph Obina