Patuloy na mararanasan ang mainit na lagay ng panahon sa buong bansa lalo na sa Luzon dahil sa pag-iral ng ridge of High Pressure Area (HPA) na siyang nagdudulot ng maalinsangang lagay ng panahon.
Umabot sa 36 degrees celcius ang pinakamataas na antas ng temperatura na naitala sa Metro Manila kahapon araw ng Miyerkules.
Nagbabala naman ang PAGASA sa lalo pang pag-init ng temperatura sa bansa sa mga susunod na araw.
Ngayon araw asahan na ang mas mainit na temperatura sa Metro Manila na aabot sa 35.5 degrees celsius na may heat index na aabot sa 40.2 degrees celsius.
Pinakamainit pa rin sa Tuguegarao City ngayong araw na ito na aabot sa 37 degrees celsius na may heat index na aabot sa 40.5 degrees celsius.
By Mariboy Ysibido