Ibinabadya raw ng pagiging malapit ni President-elect Rodrigo Duterte at Senador Bongbong Marcos ang pagbabalik ng diktaturya.
Sinabi ni Political Analyst Lila Ramos Shahani, malaking insulto ito para sa mga naging biktima ng karahasan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Lalo na aniyang masakit para sa mga ito ang hindi man lang paghingi ng tawad ng anak nitong si Senador Marcos at may pwesto pa sa gobyerno.
Dagdag pa ni Shahani, tiyak na maaapektuhan ng relasyon ni Duterte sa pamilya Marcos ang termino ni Vice President-elect Leni Robredo.
Una nang sinabi ni Duterte na hindi nito bibigbyan si Robredo ng pwesto sa kanyang gabinete dahil ayaw nitong magdamdam ang kaibigang si Senador Marcos na siya namang nakatakdang maghain ng electoral protest bilang paggiit na ito ang tunay na nanalo bilang Bise Presidente
By: Avee Devierte