Tikom ang bibig ng Commission on Elections sa isinampa ng kandidato ng People’s Freedom Party na nagpapatigil sa desisyon ng komisyon na palawigin ang deadline sa paghahain ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Ang COMELEC na bumoto pabor sa extension ng SOCE filing ang isa sa mga laman ng petisyon ni retired Army Colonel Justino Padiernos, kasama na rin ang Liberal Party at ang Standard Bearer nitong si dating DILG Secretary Mar Roxas.
Nauna nang inihayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista na handa nilang harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanila matapos i-extend ang SOCE filing hanggang sa June 30.
By: Meann Tanbio