Hinimok ni Senadora Loren Legarda ang publiko na aktibong makilahok sa Second Metro Manila Shake Drill sa June 22.
Ayon kay Legarda, dapat seryosohin ang naturang exercise ng mamamayan dahil anumang oras ay maaaring makaranas ang bansa ng malakas na lindol.
Sinabi ni Legarda na may mga paraan para maiwasan na maraming masawi at malubhang mapinsala sakaling lumindol kung magiging handa ang lahat.
Ang isasagawang panibagong Earthquake Drill ay alinsunod sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
By: Meann Tanbio