Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police na ang mga napapatay na drug pusher sa mga operasyon ay mga asset din ng mga pulis na ayaw mabisto ang ugnayan sa iligal na droga.
Tinawag na espekulasyon ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor ang mga paratang na ito laban sa mga pulis.
Wala aniya silang natatanggap na ebidensyang magpapatunay dito.
Igiinit ni Mayor na lehitimo ang ginagawa nilang operasyon at hindi maiiwasang depensahan nila ang kanilang mga sarili kapag nahaharap na sa panganib ang kanilang buhay.
By: Meann Tanbio