Hawak na ni incoming President Rodrigo Duterte ang 10 priority recommendation ng mga negosyante para sa pagpasok ng susunod na administrasyon.
Kauna-unahan sa listahan ang pagpapababa ng buwis na isa sa mga pinakamataas sa Asya at ipantay ito sa lebel ng Hong Kong at Singapore upang maging competitive.
Inirekomenda rin ang pagpapabilis gayundin ang pagpapabuti sa serbisyo ng internet ng mga telecommunications company partikular na sa internet.
Napag-usapan din ang aspeto ng imprastraktura sa bansa tulad ng pagsasaayos sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.
Inirekomenda rin ng mga negosyante sa susunod na administrasyon na pag-aralan muli ang konsepto ng conditional cash transfer sa pangambang nag-uudyok lamang ito sa mga mahihirap na dumipende sa pamahalaan.
Hiniling din ng mga negosyante sa susunod na administrasyon na ipatupad ang naunsyaming national ID system.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: www.entrepreneur.com.ph