Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na walang pinatatamaan sa inilabas na oratio imperata para sa mga susunod na mamumuno ng bansa.
Ayon kay Retired Archbishop Oscar Cruz, layon lamang nito na hilingin ang tulong ng Diyos na gabayan ang mga susunod na lider ng bansa sa kanilang pamumuno.
Binigyang diin sa naturang panalangin na ang pagpapakumbaba ng mga susunod na lider na may paggalang sa karapatang pantao at tamang paghatol sa mga bagay-bagay.
Kahapon, sinimulan na ng Archdiocese of Manila ang pagdarasal ng oratio imperata na ipinalabas ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Tatagal ang nasabing panalangin hanggang Hunyo 29 o isang araw bago tuluyang manumpa sa puwesto si incoming President Rodrigo Duterte.
By Jaymark Dagala