Patuloy ang pagdagsa ng mga nakikiramay sa pamilya ni dating Senate President Ernesto Manong Maceda.
Kabilang sa mga nagtungo sa lamay kagabi sa Mt. Carmel Church sa Quezon City sina dating Vice President Teofisto Guingona, Jr., Senador Nancy Binay at veteran actress Gloria Romero.
Bukas, Huwebes dadalhin sa Senado ang labi ni Maceda para sa necrological service alas-4:00 ng hapon.
Sa Sabado naman ihahatid sa kanyang huling hantungan ang tinaguriang Mr. Expose sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
By Judith Larino