Mas maganda ang tsansang sumulong pa at tuluyang malagdaan ang isang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA NDF
Binigyang diin ito ni incoming Peace Adviser Jesus Dureza
Sinabi ni Dureza na malaking hakbang at pagpapakita ng tiwala ang pagtalaga sa gabinete ni incoming President Rodrigo Duterte sa ilang inirekomenda ng CPP NPA
Sa nasabing hakbang aniya ni Dureza ay makikitang uubra namang magsama ang mga nasa magkabilang panig dahil pare pareho naman tayong Pilipino
Pormal nang sisimulan sa Ikatlong linggo ng July sa Oslo, Norway ang peace negotiations matapos una nang sumalang sa preliminary meeting nuong isang linggo ang mga kinatawan ng dalawang grupo
By: Judith Larino