Binanatan ni President elect Rodrigo Duterte ang numero unong kritiko nito.
Hindi man direktang pinangalanan, tinawag ni Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na “asong askal, sabog ang utak”.
Sa kanyang talumpati sa isang pagtitipon ng mga taga-Sarangani at General Santos City, muling binalikan ni Duterte ang pagkaladkad sa kanya sa kontrobersya matapos palakihin ang isyu ng kanyang bank account sa BPI J. VARGAS branch na naglalaman umano ng malaking halaga ng salapi.
Sinabi ni Duterte na wala namang napatunayan ang nag-akusa sa kanya na aniya’y isang ” paid hack” o nagpapabayad at hindi isinaalang-alang ang pagiging graduate sa Philippine Military Academy.
Tahasan nitong sinabi na nawala ang natutunang values ng kanyang kritiko sa PMA.
Ipinaliwanag ni Duterte na ang laman ng kanyang bank account na kinuwestiyon noong panahon ng kampanya ay suweldo niya noong Kongresista pa ito.
Habang ang Dollar account ay mula naman sa mga allowances niya tuwing bumibiyahe sa labas ng bansa para sa Inter-Parliamentary visits.
by: Meann Tanbio