Maaaring mapanood ng mga Overseas Filipino Worker at iba pang Pilipino sa abroad ang inagurasyon ni President elect Rodrigo Duterte sa June 30.
Ayon kay incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ito ay sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.
Layon ng hakbang na ito na magkaroon ng access ang mga walang telebisyon at radyo sa Pilipinas.
Nabatid mula kay Andanar na makikipagpulong ang Communication team ni Duterte kay Elizabeth Hernandez, pinuno ng Facebook policy for Asia Pacific sa Martes, June 28.
by: Meann Tanbio