Umaasa ang mga eksperto na papabor sa Pilipinas ang magiging desisyon ng International Court of Arbitration sa The Hague Netherlands sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay dating Congressman Roilo Golez, maaring hindi lahat ng posisyon ng Pilipinas ay sasang- ayunan ng Permanent Court of Arbitration o PCA subalit mas kikilalanin umano ng Arbitral Court ang exclusive economic zone ng Pilipinas sa nine dash-line ng China.
Sinabi din ni Golez na maaring kilalanin din ng Arbitral Court ang mga exclusive economic zone ng mga coastal states ng mga bansang Brunei, Malaysia at Vietnam.
Bahagi ng pahayag ni dating Congressman Roilo Golez
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas