Bigong makuha ng Phoenix si 3-year NBA veteran at former Kentucky University Standout Deandre Liggins bilang regular import sa season-ending PBA Governor’s Cup na sisiklab sa July 15.
Ayon sa bagong Fuel Masters Coach na si Ariel vanguardia, wala pa rin silang import hanggang ngayon.
Pero tiwala pa rin si Vanguardia, pumalit kay Koy Banal bilang chief tactician ng team, na makakahagilap din sila ng 6-foot-5 reinforcement.
Nasa bansa na ang Asian import ng Fuel Masters na si Lee Kwan Hee ng South Korea.
Mainstay siya ng Samsung Thunders sa KBL.
Bagong salta rin sa team sina Mark Cruz, Norbert Torres, Simon Enciso, Prince Caperal, Jonathan Uyloan, Mark Borboran at John Wilson.
By Mariboy Ysibido