Tinanggap na ni PBA legend Ramon Fernandez ang pagiging commissioner ng Philippine Sports Commission o PSC .
Matatandaang una nang ini-alok ni incoming President Rodrigo Duterte kay Fernandez ang posisyon ng pagka-Chairman ng PSC ngunit tinanggihan ito ng tinaguriang El Presidente ng Philippine Basketball.
Dahil dito, napunta ang pamumuno sa PSC kay William Butch Ramirez.
Inaasahan namang makikipagkita sina Ramirez at Fernandez kay outgoing PSC Chairman Richie Garcia sa susunod na linggo.
Ang Tatlo pang commissioners ng PSC ay pupunan bago mag July 1.
By: Ralph Obina