Muling idinepensa ni Immigration Commissioner Siegfrid Mison ang ginawa niyang pagtanggal sa blacklist sa pangalan ng isang Chinese national.
Ayon kay Mison, napatunayan naman ng Chinese national na hindi siya masamang tao at dapat siyang mabigyan ng pagkakataong makapasok muli sa bansa.
Kahanga-hanga rin anya ang ginawa ng Chinese national nang pangalanan nya ang mga law enforcers na di umano’y nangikil sa kanya nang maaresto sya sa operasyon ng Immigration sa Cebu.
Ang kaso ng Chinese national na tinanggal ni Mison sa blacklist ng Bureau of Immigration ang ginawang basehan ng kasong graft na isinampa laban sa kanya.
“Dinedemanda nga po ako dahil nung pumasok nga po itong taong ito noong March 2015, ang sinasabi ng complaint ay nasa blacklist pa siya, eh kung tutuusin, yung pinirmahan ko pong order ay binayaran nap o yung mga fees at bond noong November 2014 pa, mukhang hindi lang na-respect doon sa database namin.” Pahayag ni Mison.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit