Nag-walk out umano sa taping ng Pirates of Caribbean Dead Men Tell No Tales ang aktor na si Johnny Depp kung saan gumaganap siya bilang Jack Sparrow.
Ayon sa ulat ng Gold Coast Bulletin, umalis sa set ng pelikula sa Queensland Australia si Johnny at bumalik sa Amerika para sundan at kausapin ang asawang si Amber Heard.
Si Amber ay una nang bumalik ng US para iuwi ang kanilang dalawang aso matapos iutos ng isang Australian official na paalisin ang kanilang mga alaga dahil sa pagpasok sa bansa na hindi dumaraan sa quarantine.
Ayon din sa report, madalas na nag-aaway ang magasawa sa set ng pelikula na nagdudulot na rin ng abala sa shooting.
Nabatid na delayed na ang produksyon ng ika-limang installment ng “Pirates of the Caribbean” series dahil sa pagpapahinga ng aktor noong Marso dahil sa isang hand injury.
Samantala, itinanggi na ng publicist ni Johnny Depp na nag-walkout ang aktor at nananatili pa rin umano ito sa bansang Australia.
By Krista de Dios