Hindi sasantuhin ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga Alkaldeng sangkot sa Narco-Politics at nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng iligal na droga.
Sinabi ni Duterte na mayroong humigit 30 Alkaldeng nahalal nitong nakalipas na eleksyon ang gumamit ng pera mula sa iligal na droga para mamili ng boto.
Hindi, aniya, nito hahayaang mamayagpag ang mga natukoy na Alkalde at nangakong puputulin ang kapritso ng mga ito.
Sinabi ni Duterte na hihilingin nito sa Kongreso na maamiyendahan ang batas para sa pagtatalaga ng mga pulis sa mga Local Executive para hindi makapamili ang mga ito ng kanilang nais makasama sa kanilang nasasakupan.
Ayon pa kay Duterte, magtatalaga siya ng mga pulis na magbabantay at maniniktik sa mga Alkaldeng sangkot sa iligal na droga.
Bibigyan, aniya, nito ng kapangyarihan ang mga aatasang pulis na arestuhin ang mga Alkaldeng nasa listahan ng narco-Politics at kapag umalma at lumaban ay patayin ang mga ito.
By: Avee Devierte