Natuklasan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ang malalaking bilang ng boto para kay Senador Bongbong Marcos sa karamihan ng mga lugar na posibleng may dayaan.
Ayon sa isa sa mga may-akda ng PPCRV report na si Dr. William Yu, mababa kung tutuusin ang bilang ng boto para kay Vice President-Elect Leni Robredo sa mga kinukwestyong presinto.
Samantala, hindi, aniya, nagtutugma sa aktwal na bilang ng botante o maging sa mga lumahok sa halalan sa Quezon Province ang inaakusan manipulasyon ng boto doon.
Dahil dito, sinabi ni Yu na malayo sa katotohanan ang claim na nagkaroon ng dayaan para paboran ang ilang kandidato, partikular na ng Liberal Party.
Ginawa ang nasabing pag-aaral upang mabatid kung may basehan ang naging alegasyon mismo ni Marcos ukol sa dayaan, kung saan napaburan daw si Robredo.
By: Avee Devierte