Hihilingin ni Senator Bong Revilla Jr., sa Sandiganbayan, na payagan siyang makalabas at dumalo sa gagawing botohan para sa Bangsamoro Basic Law, sa senado.
Ayon kay Revilla, hindi nawawala sa kanyang mga karapatan bilang senador, ang lumahok sa pagpasa ng landmark legislation, katulad ng BBL, lalung-lalo na sa botohan para dito.
Sinabi ng senador na kanya pang aalamin kung kailan ang magiging botohan, at saka pa lang niya isusumite ang pormal na kahilingan para makadalo dito.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)